Sa wakas ay natapos na ang dalawang yugto ng mga labanan sa Individual Competition ng labanang ito sa pagitan ng Team Happy, at Team Void. Kahit na ano pa man ang sabihin mo ay nangunguna na ngayon ang Happy sa iskor na 2 laban sa 0.
Para sa ikatlong yugto ng mga labanan sa Individual Competition na ito ay ipinakita na ng mga naglalakihang screen ang pangalan ng mga manlalarong mula sa dalawang kampo na lalahok sa labanang ito.
Matapos ang ilang mga sandali ng katahimikan ay sumabog sa hiyawan, at palakpakan ang buong istadyum sa mga panahong nakita nila ang pangalang nasa naglalakihang mga screen.
"Tandang Wei, talaga bang kaya mo 'to?!" Sa hanay ng mga manonood na malapit sa upuan ng mga manlalaro ng Happy ay mayroong isang taong sumigaw sa kaniya.