Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1220 - Title is Spoiler

Chapter 1220 - Title is Spoiler

Hindi nakakapaglapat ng pinsala ang Seal Talisman. Pero mayroon itong status debuff na nagtatagal ng halos isang minuto.

Ano ang ibig sabihin ng isang minuto sa mundo ng Glory?

Sa isang harap-harapang labanan sa pagitan ng dalawang eksperto. Maaring matapos ang ganitong klase ng labanan sa loob lamang ng ilang mga sandali. Sa totoo lang ay kadalasang natatapos nga lang sa loob ng tatlong minuto ang mga labanan sa pagitan ng dalawang mga eksperto.

Ang mga Talisman ay ang pangunahing kagamitan ng mga Exorcist para makipaglaban. Maari nila itong ihagis sa kanilang mga kalaban o maari rin nila itong ipaskil sa armas ng kanilang mga kalaban, kapag nangyari 'yun ay magkakaroon ng iba't-ibang epekto ang armas ng kanilang mga kalaban.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS