Hatinggabi na ang ipinakita ng orasa. Si Liu Hao ay nakaupong parang kahoy sa harap ng kaniyang kompyuter. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nagsasalita. Nakabungad sa harapan niya ang mensahe ni Lord Grim.
"Paano niya masisira ang record ko?" Ang tanong na ito'y paulit-ulit na nagpabalik-balik sa isipan ni Liu Hao. Hindi siya makarating sa sagot sa kaniyang mga katanungan.
Samantala, sa Happy Internet Cafe, sa eksaktong pagdating ng hatinggabi, tinawag ni Ye Xiu si Huang Shaotian: "Sumama ka muna sakin para sa isang takbo. Ipapakita ko sayo kung paano gumagana ang mga stratehiya."
"Papunta na." Lubos na nababagot si Huang Shaotian.
Nasa labas ng Boneyard sina Lord Grim, Cleansing Mist, Soft Mist, Steamed Bun Invasion, at ang Level 27 na Blade Master ni Huang Shaotian na si Flowing Tree.
"Pansamantalang gamitin mo muna ang espadang ito." Ibinigay ni Ye Xiu ang Vampiric Lightsaber na binigay ni Blue River sa kaniya kahapon kay Flowing Tree.