Sa Group Arena, dalawa sa mga manlalaro ng Happy ang tumumba na. Ang ikalawang manlalaro naman ng Miracle ay mayroon pang halos isang-kapat na Health na natitira sa kaniyang Health Bar.
Isang pangkaraniwang sitwasyon naman talaga ito sa mga Group Arena. Ang kalamangan ng Miracle na 30% sa Health ay hindi pa sapat para maging kalmado sa kanilang mga aksyon ang mga manlalaro ng Miracle. Hindi nila mapigilang pagmasdan ang bawat galaw ng Happy.
Ang ikatlong manlalaro ng Happy sa Group Arena na si Tang Rou ay tumayo na. Ibinalik niya sa kaniyang upuan ang kopya ng eSports Time na ginamit ng mga manlalaro ng Miracle para pababain ang tiwala nila sa kanilang sarili.
Simula kay Wei Chen, hanggang kay Mo Fan. Limang manlalaro na ang naipadala ng Happy para makipaglaban. Dahil diyan ay nakikita mo ba na mayroong epekto ang eSports Time sa mga manlalaro ng Happy?