"Uy! Masiglang nilalaro ng batang 'yon ang laban na 'to" Lahat ng na sa Happy's player area ay nasisiyahan.
Ganun pa rin ka-tahimik at ka-mapagsarili si Mo Fan kaya kahit na sya ang pinili nilang pumunta sa entablado, walang nakakaalam kung paano niya pinaplano ang kaniyang laban. Ngunit sa laban na ito, maganda ang pagkapanalo nya. Nang nakita nya ang mukha ni He Ming na tila may kapangyarihan na magpakilabot sa isang tao sa pamamagitan ng isang tingin lamang habang sya ay bumaba sa entablado, malinaw kung gaano ka-mapagpahirap ang laban na iyon para sa kaniya.
"Ayos." Pinaulanan sya ng mga papuri ng mga Happy's players, ngunit sa kasamaang palad, ito ang group arena kaya sa ngayon, hindi matanggap ni Mo Fan ang mga pagbati nila. Walang nakakaalam kung ano ang kalabasan ng susunod na laban.
Sa Miracle's player area, tumayo ang kanilang pangalawang kalahok.
Jia Xing, Battle Mage, character Prideful Mage.