Karamihan sa customer ng Happy Internet Café ay umalis na. Ang laban ay hindi kasing ganda noong nakaraan. Noon kasi nakakuha lang sila ng tatlong puntos, nasasabik at umaasa ang lahat sa 1v3 Group Arena. Pero ngayon, maaari lang silang manood dahil ang kanilang pagkakataon at panalo ay nasira ng mga pagkakamali na hindi dapat mangyari. Ang karamihan sa mga manonood ay wala ng gana para maglaro at lahat ay umalis.
Sobrang tumahimik ang Internet Caf. Intusan ni Chen Gou ang mga empleyado na maglinis at nalulungkot rin. Hindi naman apektado sa pagkatalo si Tang Rou. Wala siyang pake kung sino ang mananalo o matatalo. Noong nakita lang niyang hindi masaya si Chen Gou at sinamahan ito. Ang dalawang magandang dilag ay nagbulungan sa isa't isa. Nang matapos malinis ang Internet Café, naging maayos ang pakiramdam ni Chen Gou. Matapos mapakita ang kanyang pake para sa dalawang panggabi, bumalik na siya sa kanyang kwarto para matulog.