Nagpapatuloy pa rin ang mga usaping tungkol sa isyu ni Tang Rou. Pero sa huli ay walang lumitaw na isang misteryosong pwersa na nagpahinto sa lahat ng ito.
Talagang hindi na nga nakialam pa ang kaniyang tatay tungkol sa isyung ito, at binigyan niya si Tang Rou ng kalayaan tungkol sa kung papaano haharapin ni Tang Rou ang isyung ito.
Si Tang Rou, kahit na kaharap niya ang sandamakmak na pagmumura't panghahamak sa kaniya ay hindi inaasahan na hindi dedepensahan ni Tang Rou ang kaniyang sarili. Hindi rin naman kasi inaasahan ni Tang Rou na mayroon pang dedepensa sa kaniya.
Dahil diyan ay umatras na lamang siya't ibinabad ang sarili niya sa kakaibang mundo ng Glory.
Kung ikukumpara kay Tang Rou ay hindi rin maganda ang kasalukuyang estado ng Happy. Isang pangalawang problema lamang para sa Happy ang isyung kinakaharap ang Tang Rou, dahil sa ang pangunahing problema nila ay ang iskor na mayroon sila pagkatapos ng walong yugto ng mga labanan.