Hindi kaagad na lumipas ang bagyong namuo dahil sa ginawang hindi pagsunod ni Tang Rou sa kaniyang pangako pagkatapos ng labanan sa pagitan ng Team Happy, at Team Tiny Herb. Sa totoo lang ay masasabi mo na dito pa lamang nagsisimula ang lahat.
Kasabay ang ilang mga Reporter na pinamumunuan ni Ruan Cheng, hindi na nila pinigilan pa ang galit na kanilang nararamdaman dahil sa pag-uugaling ipinakita ni Tang Rou. Dahil dito ay kaagad silang nagsulat ng iba't-ibang mga artikulong tumutuligsa sa kaniya.
Si Ruan Cheng na hindi na makapaghintay pa hanggang sa dumating ang kaniyang torno sa pagsusulat ng artikulo para sa eSports Time ay kaagad na ipinaskil sa sarili niyang website, ang lahat ng mga nangyari sa Press Conference pagkatapos ng labanan sa pagitan ng Happy, at Tiny Herb.