Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1188 - Ang Magsikap Para Magtagumpay

Chapter 1188 - Ang Magsikap Para Magtagumpay

Sinalubong ng Happy ang bumibisitang Tiny Herb. Pagkatapos magtagumpay ni Ye Xiu sa unang yugto ng mga labanan sa Individual Competition ay bumaba na ang dalawang kalahok na manlalaro sa entablado.

"Ano sa tingin mo?" Tiningnan ni Wang Jiexi si Gao Yingjie na parang masama yata ang pakiramdam matapos siyang talunin ni Ye Xiu.

"Grabe..." Sabi ni Gao Yingjie: "Mas malakas pa siya kaysa sa inaasahan ko."

"Pero bata ka pa naman. Magsikap ka lang, darating rin ang araw na malalampasan mo ang lahat sa Alliance." Sabi ni Wang Jiexi.

"Sige po!"

Si Gao Yingjie na ito ay maaring tinatawag ng lahat na isang henyo na kinabukasan ng Team Tiny Herb, pero sa totoo lang ay hindi nangangahas si Gao Yingjie na maging masyadong ambisyoso.

Para sa kaniya, masyadong maganda na ang pagkakataon na nakakapaglaro siya sa ganitong klase ng entablado.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS