Madamign problema si Steamed Bun sa pangalawang kalahati ng laban, kaya matagal ang inabot hanggang sa nanahimik na ang diskusyon. Matapos nito ang laban ni Su Mucheng at Zou Yuan. Kahit na tagumpay ito, at kahit na mataas na level ng manlalaro si Su Mucheng, hindi pa rin nila pinalagpas ang laban na ito. Kahit na gaano ka kagaling na manlalaro, palagi paring may pagkakamali na magbibigay butas sa laban. Ang pagbabalik aral ng mga laban ay hindi lang para palakasin ang isang tao na nasa laban na pinagaaralan, para matutunan ng lahat ang leksyon.
Kasabay nito, mapapagaralan pa nila ang kanilang kalaban. Kaya kahit na sino pa ang kalaban nila, kung nanalo o natalo, palaging makakabuti ang pagbabalik aral. Mas madali ang pagaaral sa laban ni Su Mucheng kaysa kay Steamed Bun. Pinanoon ang replay, si Su Mucheng mismo nakapansin ng ilang mga bagay tungkol sa kanyang laban at babanggitin ito para mapagusapan ng lahat