"Madaming bagay ang tama si Zuo Chenrui. Tamang tieympo, gamitin narin ang pagsusuri niya bilang simula sa ating diskusyon!" Sabi ni Ye xiu at kinuha ang papel mula kay Fang Rui ay inangat ito sa ere
Hindi nagtagal, noong pumunta sila sa entablado o hindi, lahat pumuna sa silid ng estratehiya. Ang palaging tahimik, malamig, at nagiisa na si Mo Fan ay sabik ngayon. Siya ang unang pumaosk sa silid, kahit na wala paring emosyon ang kanyang ekspresyon. Sa silid ng estratehiya, nakaupo ang lahat sa sarili nilang upuan ng sunod sunod. Matapos pumasok ni Ye xiu, tumigil na sa paguusap ang lahat. Bumaba ang projection screen. Umupo si Ye Xiu sa harap ng kompyuter sa kabilang gilid at binuksan ang laban nila kanina.
"Sa unang round ng indibidwal na kompitisyon… tama, wala gaanong sasabihin dito. Masyadong ninenerbyos ang bata sa Hundred Blossoms. Ito ang isyu…" tinignan ni Ye Xiu ang mga kasamahan niya.