Xiaoshan Stadium.
Sa pagkakabuwag ng Excellent Era, maagang natanggal ang renta sa kanilang kontrata at nabalik na ang pangalan nito sa dati. Pero ang mga nagtatrabaho para sa istadyum na ito ay para bang walang nagbago. Matapos ang isang taon, muli na namang naganap rito ang Pro League ng Glory at parehas ang ginagawa nila.
"Pasensya na ineng, kailangan namin linisin ang istadyum." Madaling naglakad ang manggagawa sa miyembro ng manonood na nakatayo sa baba ng entablado.
"Pasensya na, paalis na ako." Agad na humingi ng pasensya si Chen Guo sa manggagawa at naghanda na para umalis.