Mas naintindihan ni Fang Rui si Zhou Guangyi kaysa sa naintindihan siya ni Zhou Guangy. Matapos magtagumpay ng dalawang beses, duda si Fang Rui na gagana pa ang kanyang panlilinlang ng pangatlong beses. Nagdesisyon siya na haharapin niya si Zhou Guangyi sa direktang komprontasyon para malaman kung sinong magtatagumpay. Pero ibig sabihin ba nito na itatabi niya na ang madumi niyang paguugali? Syempre hindi! Sa sitwasyon na ito, makatwiran na hinarap ni Fang Rui si Zhou Guanyi sa direktang komprontasyon sa maduming paggalaw. Sa dalawang nakaraang galaw, talagang malalim ang pinuntahan sa isipan ni Zhou Guangyi ng cooldown method.