Si Ye Xiu ang unang lumasbas sa entablado para sa Happy. Hindi lang si Pan Lin ang nagulat. Lahat sa istadyum kasama ang mga manlalaro sa Team Hundred Blossoms ay nagulat. Ayon sa kanilang nakaugalian, lilitaw ang alas na manlalaro sa Group Arena para lumaban sa dalawang puntos. Bihira lang lumitaw ang alas na manlalaro sa pang indibidwal na kompitisyon. Sa pagkakaayos ng Happy, sinusuko na ba ng Happy ang Group Arena sa pagtarget sa tatlong puntos sa indibidwal na kompitisyon?
Hindi na kailangan pang magisip. Naka-ayos na ang listahan ng pangalan para sa mga laban bago lang laro. Mula sa Team Hundred Blossoms, umakyat si Zeng Xinran sa entablado para sa malayong larong ito. Sino si Zeng Xinran? Bago ang laban na ito, walang nakakaalam. Baguhan siya na muila sa training camp ng Hundred Blossoms ngayong season. Noong nalagay ang pangalan na ito sa liga para sa listahan ng manlalaro para sa bagong season na ito, masasabing ito ang una niyang pagharap sa publiko.