Purong walang kwento ang nasa Weibo…
Nawala saglit si Cheng Siyan bago siya bumalik sa katotohanan. Lahat ay naglalaro kung saan saan, paanong makukuha niya ang gusto niya? Magandang rason ang binigay nito sa kanya. Kung aasa lang siya sa siyam na salita napinost ni Fang Rui sa Weibo, talagang hindi maganda para sa kanya na magtanong ng kumpirmasyon mula sa Wind Howl. Pero dahil sa gulong ginawa ng mga propesyonal na manlalaro, talagang naging isang punto ito na sampung libo ng mga taga hanga ng Glory ang pinaguusapan ang paksang ito. Hindi siya humingi ng impormasyon sa Wind Howl, wala siyang pagkapakealamero na katulad ng isang kwalipikadong reporter.