Si Liu Hao na hindi nakatulog kahapon ng gabi. Hindi siya natulog ng umaga at tinawag ng kanyang boss sa tanghali. Napakaabala niya buong hapon at hindi pa nakakatulog. Matapos lang ng hapunan siya nakatulog sandal, pero inilagay pa rin niya sa isipan niya si Ye Qiu sa buong oras. Ang resulta, noong malapit na ang hating gabi, nahirapan siyang bumangon sa kanyang higaan at mag-online. Sa huli, noong magawa naman niya, sinabihan siya na wala ng lugar para sa kanya sa party. Gustong kainin ni Liu hao si Ye Qiu ng buhay, pero wala siyang magawa at maaari lang parang tangang tumingin sa monitor.