Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1094 - Walang Masama sa Pakikipagkooperasyon

Chapter 1094 - Walang Masama sa Pakikipagkooperasyon

Tumingin si Yu Wenzhou sa kaliwa't kanan. Napapalibutan sila ng sampung manlalaro. Sa ganitong pagpapalibot, kahit na makaalis sila gamit ang kanilang mga mas malakas na skill, hindi na nila mahahabol pa ang boss. Napabuntong hininga si Yu Wenzhou. Hindi talaga pagbitag ang pagpapalibot na ito pero isang butas mula sa kanila. Sinuri niya ang idireksyon kung saan maaaring nahila ang boss at nagpadala gn gma tao para habulin ang boss.

At talaga namang nakita ni Huang Shaotian ang boss. Ang sitwayson na ito ay talaga namang hindi nila ibabahagi sa iba pang guild. Hindi lang sa hindi sila magbabahagi, kailangan rin nilang protektahan ang balitang ito sa pagkalat. Kaya hindi agad nagpadala ng pangunahing hukbo ng Blue Brook Guild si Yu Wenzhou para itapon ang sarili nila sa boss. Sa halatang hakbang ay makakahatak ng atensyon gn iba. Hindi gustong harangan ni Yu Wenzhou si Ye Xiu sa boss habang nagdadala ng mga kakumpetensya.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS