Kapag gumagami ang mga Ninja ng Ninjatos, makakaakyat sila sa mga bato hindi katulad ng ibang class. Kaya sa tiyorya, habang hindi makatalon sa bangin ang ibang class, magagamit ng mga Ninja ang kanilang Ninjatos para makaakyat. Maaari lang umupo doon at manood ang ibang mga class, habang ang Ninja sa ibang mga guild ay sumugod, pinakita ang kanilang Ninjatos para maakyat ang bangin. Pero nangangailangan ng teknik ang paggamit ng Ninjatos. Kahit na magagawa ng ibang mga normal na manlalaro ang ilang mga bagay, hindi sapat ang malaman lang ang mga ito para habulin ang target. Ang kailangan ay bilis at eksakto.