Ta… tapos na?
Nananatili pa rin ang mga kamay ni Zhang Jiale sa kanyang keyboard at mouse. SA totoo lang limang minute na ang nakalipas simula noong bumagsaka ng kanyang Dazzling Hundred Blossoms. Unang bumagsak mula sa Tyranny ay ang Dark Thunder ni Lin Jingyan sunod ay si Dazzling Hundred Blossoms. Nasa gitna siya ng ere na para bang multo habang patuloy niyang pinapanood ang Team Samsara sa walang tigil na sinundan ang kanyang team.
Bumagsak na ang Negative Nine Degrees ni Qin Muyun.
Bumagsak na ang Immovable Rock ni Zhang Xinjie.
Tanging si Desert Dust ni Han Wenqing at Rota ni Bai Yanfei ang naiwan. Hindi sumuko ang dalawa at ginamit ang kahat ng kanilang lakas para mapalayas ang Cruel Silence ni Wu Qi mula sa Samsara. Sabay na bumagsak ang tatlo.
Glory!
Katulad ng sa onaline arena, lumabas din ang salitang ito matapos ang team competition. Ngunit, hindi sa kanya ang glory dahil natalo na naman siya…