Boss din noon si Tao Xuan ng Internet Café?
Nakakagulat ang sagot na ito para kay Chen Guo. Wala siyang ibang nararamdaman paraa kay Tao Xuan noon kung hindi pandidiri ngunit ngayong nalaman niya na parehass ang negosyo nito ssa kanya noon, nahiya si Chen Guo para sa kanya.
"Hindi ko masabi." Napipikon na sagot ni Chen Guo.
Ngumiti si Ye Xiu ngunit wala siyang ssinabi.
"Pagkatapos?" Nagtannonng ssi Chen Guo dahil napanssin niya na may matutunan siya mula sa paglaaki ng Excellent Era.
"Pagkatapos? Pagkatapos noon, nakikipaglaban kami kung saan saan bawat kumpetisyon. Noon, nabuo na siguro ang Alliance ngunit nagssisimula pa lang at hindi parehass ang impluwensya katulad ngayon. Maraming Glory competitions na katulad noon at sinasalihan naming ang lahat. Online matches, offline matches, basta walang problema sa oras, wala kaming hindi sasalihan." Sagot ni Ye Xiu.
"Para pagsanayin ang team?"