Hindi mapigilang magulat ng buong istadyum matapos nilang makita ang galawang ipinapakita ni Soft Mist. Pati na rin ang pinuno sa seremonyas na si Pan Lin ay hindi mapigilang matahimik na lamang matapos makita ang eksena na ito.
Kahit na ang kaharap niya ay apat na mga manlalaro ng Excellent Era. Nangahas pa rin ang dalagang ito na si Soft Mist na sugurin silang lahat imbis na umatras. Sa totoo lang ay mas naging mabagsik pa nga siya sa kaniyang pagsugod... Talaga bang hindi naiintindihan ng babaeng ito ang sitwasyon niya?
Naging marami sa kanila ang gustong hamakin si Tang Rou dahil sa ginawa niyang aksyon na para na rin pagpapatiwakal.
Gayunpaman, nagulantang ang lahat dahil sa biglang nilusutan ng Dragon Breaks the Ranks ni Soft Mist ang apat na manlalaro ng Excellent Era, bago ito lumitaw sa harapan ng Mechanic, at Sharpshooter ng Excellent Era na nakatayo sa di-kalayuan.