Tuluyan nang nagsimula ang Team Competition sa pagitan ng Happy at Excellent Era. Noong una ay hinahabol ng Excellent Era ang Happy, at talagang umayaw sila na pakawalan ang Happy hanggang sa maabutan nila ang mga manlalaro ng Happy.
Doon ay nagsimula na ang palitan ng mga atake, pero kitang-kita ng mga manonood na kasalukuyang isinasagawa ng Happy ang isang labanan na isa laban sa dalawa, habang ang ibang apat na manlalaro naman ng Happy ay kasalukuyang papunta na sa likuran ng Excellent Era para tambangan sila.
Malinaw na hindi alam ng Excellent Era ang lahat ng ito. Namalayan lang naman kasi ni Xiao Shiqin na hindi sila nagiging aktibo sa labanan kaya binago niya ang kanilang stratehiya. Sa kabilang dulo naman ay binago na ng Team Happy ang kanilang stratehiya.