Binilisan nina Xiao Shiqin, at Qiu Fei ang panghahabol kay Dawn Rifle. Pero hindi nila ginamit ang tunay nilang lakas sa paghahabol.
Sa huli, wala rin namang naging kwenta ang mga kadahilanan nila kaya nila binagalan ang paghahabol dahil sa nailayo rin naman nila ang sarili nila mula sa ibang mga kasamahan nila.
Idagdag pa na hindi lang nila nalalapitan si Dawn Rifle, nakikita na rin nila ang dalawang ibang mga manlalaro ng Happy.
Naku po!
Sa mga panahong nakita ni Xiao Shiqin ang ibang mga manlalaro ng Happy sa direksyong 'yun ay hindi niya mapigilang kabahan. Inaakala niya na magsama-sama muna ang Happy para doon ay tambangan nila ang kanilang Cleric.
Pero batay sa kasalukuyang posisyon ng dalawang ibang mga manlalaro na ito ng Happy ay mukhang hindi naman yata itong ang kanilang mga plano. Ang tunay nilang pakay ay ang mga manlalarong humahabol kay Dawn Rifle.
"Hinto!"