Nakahanay na sa may entablado ang mga manlalaro ng dalawang Team.
Ang Team Competition ay parang isang palabas sa telebisyon. Ito ay isang sitwasyon na kung saan maari nilang maipagpatuloy ang kanilang paglalakbay o sila'y tuluyang babagsak.
Kung sila'y manalo ay mapupuntahan nila ang langit, pero kung sila man ay matalo'y parang babagsak na rin sila sa impyerno. Gayunpaman, para sa Excellent Era. Mas magiging masama ang sitwasyon nila kapag natalo sila sa Challenger League ng taong ito.
Para manatili sa Challenger League ng dalawang taon? Kahit na ang Excellent Era ay makaramdam ng matinding kahihiyan kung tatawagin pa nila ang sarili nila bilang isang malakas na Team na nagmula sa Professional Alliance.