Matapos makumpleto ang isang isa laban sa tatlong labanan ay bumaba na sa entablado si Ye Xiu. Sa totoo lang ay mabuti na lamang ay sa Referee lamang niya sinabi ang mga salitang binitawan niya, dahil sa kung narinig iyon ng mga manonood sa istadyum ay malamang na mag-aalsabalutan sila.
Sabay-sabay na bumaba sa entablado sina Ye Xiu, at Sun Xiang. Syempre, sa mga parehong sandali rin nila narating ang kanilang mga upuan, sa kanilang kampo.
Sa kampo ng Team Happy ay kaagad na hinangaan nilang lahat si Ye Xiu, at nagpakita sila ng respeto na para bang si Ye Xiu ay isang duguang bayani na kakauwi lamang mula sa isang digmaan. Papaano naman ang Excellent Era? Kahit na masama ang pakiramdam ni Tao Xuan.
Tinapik pa rin niya sa balikat si Sun Xiang, at sinabi: "Hindi na masama, bahagyang nagkulang ka lamang."
Tama!
0.03%