Sa entablado ay ang huling nakatayo ay si Lord Grim. Nakahiga sa kaniyang paanana si One Autumn Leaf. Nagdala ng kadakilaan para sa kaniya noon si One Autumn Leaf. Pero ngayon, naging kalaban niya ang One Autumn Leaf, at itinumba niya ito gamit ang dalawa niyang mga kamay.
Tahimik ang buong istadyum. Kahit na ang ilang mga tagahanga ng Happy ay nakalimutang magsigawan.
Nanalo sila?
Nahirapang maniwala ang karamihan sa mga manonood na nandirito. Punong-puno naman kasi ng lakas ang Risng Dragon Soars the Sky ni One Autumn Leaf.
Idagdag pa na isinagawa niya sa loob ng mga sandaling 'yun ang dalawang pambihira't kakaibang galawan na Dragon Raises Its Head, at Dragon Looks Back. Sa lakas ng mga galawang ito ay inaakala nila na paniguradong tutumba si Lord Grim.
Pero ang huling nanatiling matatag sa entablado ay si Lord Grim. Teka lang, ano nga ba talaga ang nangyari sa mga sandaling iyon?