Hindi naman pala talaga masyadong pambihira ang mala-Diyos na manlalarong nasa harapan niya, hindi kagaya sa kaniyang mga inaasahan.
Isang ordinaryo, at simpleng tao lang naman pala ang mala-Diyos na manlalarong hinahangaan niya, at masyadong madali lamang para sa kahit na sino na makita na bukal sa kaniyang puso ang pagmamahal niya sa Glory.
Hindi lang naman kasi ang tagumpay ang tanging hangarin sa mga paligsahan. Ito ay isang uri ng paglilibang rin na kung saan ikaw ay nakakakuha ng kasiyahan.
Talagang nagustuhan ni Qiu Fei ang kawikaang ito na narinig niya mula sa kaniyang hinahangaang mala-Diyos na manlalaro mismo. Dahil dito ay hindi niya mapigilang magkaroon ng pagnanasa na dumating ang mga araw na kung saan mararamdaman na niya ang kaligayahan ng paglalaro.