"Teka lang, sapat ba kaya ang Mana ni Life Extinguisher para patayin sa kasagsagan ng mga mababangis na atake na ito ang kaniyang kalaban?" Sa puntong ito ay biglang itinaas ni Pan Lin ang kaniyang pag-aalala tungkol sa sitwasyong ito.
Pero hindi lang naman si Pan Lin ang talagang nag-aalala tungkol dito. Ang lahat ng mga manonood ay nag-aalala rin tungkol sa kung papaano haharapin ni Life Extinguisher ang katotohanan na ito. Idagdag pa na sinayang niya ang kaniyang Mana kanina para lamang makatakas mula sa Death's Door.
Sa katunayan lang ay parang mauubusan na yata siya ng Mana sa mga sandaling ito.
Hindi kaagad na nakasagot si Li Yibo. Matapos matingnang mabuti ang sitwasyon sa loob ng ilang mga sandali ay nakasagot na rin siya sa wakas: "Kasalukuyang ginagamit ni Xiao Shiqin ang kaniyang mga ordinaryong atake para punan ang bakanteng lumilitaw dahil sa kakulangan niya sa Mana..."