Hindi ito ang unang beses na parang mapapahiya na ni Li Yibo ang kaniyang sarili. Gayunpaman, dahil sa masaganang karanasan niya bilang isang pinuno sa seremonyas. Masyadong madali para sa kaniya na hukayin ang kaniyang sarili mula sa butas na siya mismo ang may gawa.
"Hindi lang pala isang plano para maapektuhan ang mentalidad ng kaniyang kalaban ang ginawang pananatili ni Wei Chen sa lugar na ito. Sinamantala rin niya ang mga panahong papunta pa sa kaniya ang kaniyang kalaban para mapag-aralan ang kapaligiran niya..."
"Ngayon, nagbunga na ang kaniyang pagsisikap dahil sa nagawa niyang samantalahin ang kaniyang paligid para magawang makuha ang kalamangan kaharap ang kaniyang kalaban." Kalmado pa rin si Li Yibo habang siya ay nagsasalita, kahit na alam niya na maaring masampal niya ang sarili niya.