Matapos makita ang hitsurang bumabakas sa mukha ni Ye Xiu ay may pinaalala si Ye Xiu kay Tang Rou.
"Uy, wag mong maliitin ang iyong mga kalaban!" Sabi ni Ye Xiu kay Tang Rou.
Huwag maliitin ang aking mga kalaban?
Si Xiao Shiqin na papunta na sana sa kaniyang upuan para makapaglaro sa labanang ito ay muntik nang madapa matapos niyang marinig ang mga salitang ito. Anong sinabi niya? Bakit parang pamilyar yata ito sa akin? Gaano katagal na ba simula noong narinig ko ang mga salitang ito?
Pinatatag ni Xiao Shiqin ang kaniyang sarili. Pero hindi pa rin niya mapigilang tingnan ang kampo ng Happy. Kasi naman, hindi pa niya lubusang naiintindihan ang pag-uugali ni Tang Rou. Mula sa mga nakita niya sa mga labanan ni Tang Rou ay wala siyang nakitang dahilan para maliitin siya ng dalaga.
Baka naman siguro ay parang nakalimutan na nga yata ng lahat ang tunay niyang lakas dahil mga isang taon na rin siyang hindi nagpapakita sa Alliance?