"Nakikilala mo ako?" Napatigil si Zhang Xuan.
"Ikaw ang siyang nagpamulat ng kamalian sa aking cultivation, kaya maikukunsidera kita bilang kalahating guro ko. Paano kita hindi makikilala?" Tugon ng estatwa.
"Mga kamalian sa cultivation ni Ancient Sage Qiu Wu?"
"Kalahating guro?"
"Ibig sabihin ba nito… si Zhang shi ay talagang nagbigay ng gabay kay Ancient Sage Qiu Wu?"
Ang mga ngipin ni Luo Xuanqing, Bi Hongyin at iba pa ay nagbanggan mula sa pagkagulat pagkarinig sa mga sinabing iyon.
Ang importansya ng bagay na ito ay talagang malaki, umaabot sa punto na ang pagalam ng masyadong madami ay maaaring kapalit na sa kanilang mga buhay!
"Ngunit… hindi ba't kapiraso ka lang ng kaluluwa niya?" Naintrigang tanong ni Zhang Xuan.