Kahit na napakasama ni Chu Tiaxing, siya pa din ang emperador ng Qingyuan Empire. Pwede nilang turuan ito ng leksyon, pwede nila itong pahirapan habang buhay, pero kung pinatay nila ito, isa itong malaking bagay.
"Masama ito…" Pati si Elder Xu ay natatakot sa sitwasyon nila ngayon.
Kahit na gusto niyang gantihan ito para sa namatay niyang mga kasamahan, alam niya na ang kamatayan ng isang emperador ay hahatakin ang atensyon ng Master Teacher Pavilion. Wala ni isa sa kanila ang magagawang makatakas ng hindi napapahamak.
Kahit na siya ay nagkasala, kailangan pa din siyang dumaan sa paglilitis ng Master Teacher Pavilion bago siya masentensyahan. Ang pagpatay sa isang emperador ng isang Conferred Empire ng ganun na lang ay wala nang pinagkaiba sa paghamon sa lugar na pinamumunuan nito.
"Akuhin ko ang nagawa kong kasalanan. Ako ang nakapatay sa kanya, kaya aakuhin ko ito ng mag-isa!" Sabi ni Liu Yang habang nakatikom ng mahigpit ang kanyang kamao.