Sa loob ng palasyo...
Habang nakaupo sa likod ng lamesa, tinitigan ni Chu Tianxing ang isang lalakeng nakatalukbong ng itim at tinanong ito, "Ano na ang nangyari? Sumuko na ba ang taong yun?"
Nagbigay galang ang lalakeng nakaitim at nagsalita, "Kamahalan, kahit na isa pa lang siyang binata, matigas siya. Sinubukan na ng mga kapatid ko ang iba't ibang klase ng pagpapahirap para mapagsalita siya, pero parang isang pipe, ayaw niyang magsalita!"
"Buto? Hah! Marami na akong taong nakita na may buto sa buong buhay ko, pero s aking harapan, kahit na anong buto pa yang meron sila ay madudurog lang sa aking harapan!" Malamig na singhal ni Chu Tianxing.
"Tama po kayo… pero Kamahalan, ano po bang gusto niyong makuha mula sa kanya?" Tanong ng lalakeng nakaitim.