Napakahirap na ngang labanan ang nag-iisang Qingtian Emperor, at halos imposible na labanan ang dalawa nito nang sabay. Dahil dito, dahan-dahang naghanda si Zhang Xuan. Una, tinago niya ang kanyang clone sa bulwagan bago umatras nang paulit-ulit para pababain ang depensa ng mga Qingtian Emperor, at para na rin papuntahin sila sa lugar kung saan gusto niya itong dalhin.
Ang huling pagsabog ay nagsilbing distraksiyon para sa dalawa na nagbigay ng sapat na oras para umatake ang kanyang clone.
Simple lang ito kung pakikinggan, pero mas kumplikado ito kumpara sa iniisip ng lahat. Para makapagpanggap ng maayos para lokohin ang mga Qingtian Emperor, kailangan niyang magpasya ng maingat kung anong technique and dapat niyang gagamitin, gaano kalayo siya dapat na umatras, kung saan siya hihinto, at kung mula saang anggulo aatake ang kanyang clone para hindi ito mapansin.
Dahil lamang sa ganito ka-metikulosong kalkulasyon kaya gumana ang plano sa huli.