Hindi ba patay na ang Qingtian Emperor?
Bakit bigla siyang liltaw sa Ghost Cavern?
"Patay? Kung ako, ang Qingtian Emperor, ay mapapatay nang ganoon kadali, paano ka magiging karapat-dapat na pamunuan ang buong Qingtian Lineage?" malamig na singhal ng Qingtian Emperor habang mabilis na kumalat sa buong bulwagan ang kanyang killing intent. "Ang napatay mo ay isa lamang clone!"
"Isang clone?" Kumunot ang noo ni Zhang Xuan.
Ang Tian Qing ay ang kumakatawan as kanyang kalooban, kaya maituturing itong isang clone. Pero para isiping ang naka-tansong maskara na iyon ay isa lang rin pa lang clone... Marami ngang alas na tinatago ang Qingtian Emperor!
"Binuno ko ang limang daang taon ng aking buhay para palakasin ang clone na iyon mula sa aking hiniwalay na kaluluwa. Sigurado ay natuwa ka sa pagpatay sa bagay na iyon, hindi ba? Oras na para tapusin ang mga galit natin sa isa't isa!" Nakikita sa mga mata ng Qingtian Emperor ang malalim na kasamaan.