Yun ay maliit pa lang na porsyon ng storage ring. Ang talagang nakapukaw ng pansin ni Zhang Xuan ay ang malaking tumpok ng saint beast inner core na nasa isang sulok.
Mas mahaba man ang buhay ng mga saint beast kesa sa mga tao, pero namamatay pa din sila.
Bawat isa sa mga inner core na ito ay napakahalaga at maaaring ibenta sa napakalaking halaga.
Pagkatapos tignan ang lahat ng kayamanan na nasa loob ng storage ring, napatulala si Zhang Xuan.
Kung ihahambing sa Golden Beartiger Beast, pakiramdam niya tuloy ay para lang siyang isang pulubing ipinapakita ang kanyang mangkok na may barya sa isang mayaman.
Sa tuwa, nilingon ni Zhang Xuan ang Golden Origin Cauldron at sinabi dito, "Magaling ang ginawa mong pagbigay sa akin nito! Anong gusto mong pabuya?"