Ang Scarlet Blaze Lion ay mabilis na lumabas ng kweba at kaagad na lumipad papaunta sa lambak kung saan nagtitipon ang mga aerial spirit beast. Hindi nagtagal ay nakarating din siya sa kanyang destinasyon.
Kumunot ang noo ng Scarlet Blaze Lion. "Bakit mayroong Illusory Formation dito?"
Nasa kanyang harapan ang isang malaking formation na pumapalibot sa buong lambak. Sa bawat ilang saglit, makakarinig ka ng mga sumisigaw na spirit beast sa loob. Sa bukana ng lambak, ang dalawang spirit beast na sumama sa taong iyon kanina ay nakabantay, nangangambang nakatingin sa kanilang paligid.
Ang Scarlet Blaze Lion ay lumapit sa dalawang panthers ay tinitigan sila ng masama. "Black Spirit Panthers, anong nangyayari?"
"Scarlet Blaze Lion King..."