Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 1108 - Panggugulpi sa Guild

Chapter 1108 - Panggugulpi sa Guild

Dahil sa nakakatakot itong sikretong art, ito ay mayroong mga limitasyon din. Mas makabubuti kung ito ay gagamitin sa loob ng 300 na metro para masigurado ang epekto nito.

Bilang mga Primordial Spirit realm na eksperto, kaya nila na magawang maitago ang kanilang aura at itago ang kanilang presensya ng madali. Sa isang iglap, sila ay nakapunta na sa isa pang eskinita hindi kalayuan mula sa Spirit Awakener Guild ng hindi napapansin ng kahit na sino.

Matapos ang mabilis na pagsusuri sa kalayuan, tinandaan ni Cang Xu na ito ay eksaktong nasa 300 na metro at siya ay huminga ng maluwag. Humarap siya kay Zhang Xuan sa kalangitan ng may nanliliit na mga mata habang nagbabalak na sinabi, "Gawin natin ito dito!"

"Sige!" Tumango si Dao Kou habang maingat niyang tinignan ang kapaligiran.

Si Cang Xu ay nasa mahinang estado habang ginagawa niya ang sikretong art. Hindi siya magagawang makakilos, kaya kailangan na mayroong magprotekta sa kanya sa panahong iyon.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS