"Zhang shi..."
Nang makita si Zhang Xuan, ang mga mata ni Hu Yaoyao at nang iba ay kaagad na kumislap. Kaagad silang nagtangkang umatras sa laban para sumama sa kanya, ngunit galit n suminghal ang kanyang kalaban. "Sa tingin mo ba pwede mong ihinto ang laban na ito dahil lang gusto mo?"
Hu hu!
Ihinawi ng kalaban ang hawak niyang espada, at isang napakalakas na hiwa ang kaagad na humabol sa kanila Hu Yaoyao, at wala silang magawa kundi lumingon at umatake.
Subalit medyo huli na ang kanilang pag-atake, at nag-iwan sa kanila ng malalalim na sugat sa kanilang braso ang hiwa ng kalaban.
Isang napakabilis na swordsmanship! ang mga kilay ni Zhang Xuan ay nagsitaasan.
Ang swordsmanship ng kalaban ay hindi napakagaling, pero napunan ng kanyang bilis, tiyempo, at natatanging kasanayan niya sa pag-unawa ng Sword Intent.