"Tama, kailangan ko munang maghanap ng matitirahan. Basta't makakagawa ako ng reputasyon ko, siguradong lalapit sakin ang mga tao… Sa ganitong paraan, hindi ko na kakailanganin pang kumatok sa mga pinto ng bahay ng ibang tao at mapapanatili ko ang aking dignidad bilang isang eksperto, habang kumikita ako ng pera."
Sumulpot ang isang ideya sa kanyang isipan.
Bilang isang master teacher, kailangan niyang itaas ang kanyang katayuan. Hindi siya pwedeng lumibot sa mga bahay. Dahil dito, maaari lamang siyqng maghintay na may kumagat sa kanyang pain.
Basta't may taong kakatok sa pinto niya, kampante siya na magagawa niyang utuin ang mga tao gamit ang kanyang kakayahan at ang Library of Heaven's Path.
"Tama, dapat maghanap muna ako ng base ko!"
Pagkatapos niyang makapag-isip ng mabuti, naisip niya na ito ang pinaka magandang paraan para kumita ng pera. Sa isang iglap lang, nakapagdesisyon na si Zhang Xuan.
Ito ang gagawin niya.