Hindi narinig ni Zhang Xuan ang boses ni Luo Qiqi. Ginamit niya ang Red Dust Heaven Ascending Step at lumipad siya sa taas na malapit sa lapag.
Mas lalong tumalas ang kanyang Eye of Insightpagkatapos niyang sumailalim sa pangatlong pagkilala bilang isang Celestial Master Teacher. Kahit na ang mga bakas ni Hu Yaoyao ay masyadong malabo ay kaya niya itong makita ng malinaw.
Hmm? Saan siya pupunta? Naguguluhan si Zhang Xuan.
Ang balas ay nahinto muna sa paligid ng lawa bago biglaang nagtungo sa isang burol.
Mukhang walang katao-tao sa burol at mukhang malabong magkaroon ng taong nakatira rito. Bakit pupunta ang taong ito sa isang burol ng ganitong oras?
Habang nakatago siya sa dilim ng gabi ay nagpatuloy si Zhang Xuan.
Ang burol ay puno ng mga maliliit na halaman at sa pinakatuktok nito ay isang asotea na may walong sulok.