Ang kabilang partido ay mas takot sa kanya noong nakaraan kumpara ngayon. Pero sa lagay na ito, mukhang balak talaga nila ngayon na tapusin kung ano man ang pakay nila rito.
Ano ba talagang nangyari para balewalain ng grupo na ito ang katauhan ng young master bilang isang 4-star master teacher?
"Anong ginagawa namin? Huwag ka nang magmaang-maangan pa!"
Suminghal si Sect Leader Luo Huang. "Nasaan si Zhang shi? Palabasin niyo siya ngayon din, kung hindi ay huwag mo kaming sisihin sa gagawin namin!"
Tumaas ang kilay ni Sect Leader sa pagkamuhi.
"Mayroon ngang mga batas ang Master Teacher Pavilion. Hindi nga namin pwedeng galawin ang isang taong nasa katayuan ni Zhang shi, pero kung gagawin namin ito sa kanyang butler at iba niyang mga estudyante… Sa tingin mo ay paparusahan kami ng headquarters sa pag-atake sa mga langgam?"