Putong!
"Bigyan ka tubig?"
"Talagang uutusan niya ang pavilion master na bigyan siya ng tubig?"
Nang marinig nila ang mga salitang iyon, nangatog ang kanilang mga panga. Sa isang iglap ay halos malaglag ang dalawang Transcendent Mortal 4-dan experts sa kanilang kinauupuan.
Bago sila pumasok, sinabihan nila si Zhang Xuan na ang pavilion master ay isang napakaseryosong tao, at kailangan niyang tandaan ang kanyang sinabi. Sino ba ang mag-aakala na ang loko-lokong ito ay uutusan ang pavilion master na para bang tinuturuan ng leksyon ang isang alagad…?
Ha?!
Nababaliw ka na ba?
Nagpakahirap kaming dalawa na magpakaawa sa kanya para makasali ka, sa tingin mo madali lang yun para sa amin? Pero parang ginagawa mo ang lahat para mawala ito sayo…
Nang mapapaluha na ang dalawa na inaasahan na ang galit ng pavilion master, ang napakaseryosong pavilion master ay biglang tumayo at magalang na sumagot, "Opo!"