Habang bahagyang naguguluhan siya sa nilalaman ng libro, nakabawi na ang matanda sa kanyang kakaibang kondisyon. Maputla ang kanyang mukha nang tinignan niya ang paligid at nagsalita, "Naiintindihan ko ang dahilan kung bakit gusto niyong bilhin ang Soulless Metal Humanoid. Kung maibibigay niyo ang kayamanan na hinihingi ko, hindi lang ang Soulless Metal Humanoid ang ibibigay ko, dadalhin ko rin siya sa kung saan ko nahukay ang metal humanoid para malakbay niya ang mga sikreto ng soul oracle!"
"Ano?"
"Sabi sa alamat, ang mga Soulless Metal Humanoid ay palaging nasa tabi ng mga soul oracle,maski sa kamatayan… kung ito ang lugar kung saan niya nahukay ang metal humanoid, ibig sabihin ba nito ito rin ang libingan ng isang soul oracle?"