Kapag marinig nila na ang kanilang young master ay nakulong, ang ibang tagasunod ay siguradong magmamadaling magmakaawa sa iba upang manghingi ng tulong para iligtas siya. Ngunit, ang taong ito ay hindi man lang nag – aalala, at tinitignan pa sila ng kakaiba...
Taga – sunod ka ba talaga niya o kaaway?
Yun ay isang formation na kahit na si Pavilion Master Kang ay mahihirapang sirain. Ngunit, para tignan ito na para bang wala lang ito, sadya bang matapang ka lang talaga o gusto mo nang mawala ang young master mo sa mundo?
Hihimatayin na sana si 'gongzi' sa sobrang galit, at sa kabilang banda naman, ang paningin naman ni Wei Yuqing ay lumibot sa buong paligid.
Kung hindi lang ipinagkatiwala ni Zhang Xuan mismo ang taong ito sa kaniya, marahil ay naisip na niyang isa itong impostor.
Marahil, siya lang ang bukod tanging nilalang na titignan lang ang kaniyang young master habang nasa bihit na ito ng kamatayan.
"Anong problema?"