"Magaling!"
Sa likod ng savage beast, 'Gongzi' at iba pa, na dumating pa lang, pagkita sa mga ito, at kahit si Jin Conghai ay hindi mapigilang magsabi.
"Siya ay tunay na magaling para makita ang kamalian sa pagatake niya sa isang iglap. Sumusugod ng diretso sa gitna ng bagyo para malagpasan ang sunod sunod na atake… Para magawa iti… ang pagtataglay ng mahusay na eye of discernment ay magiging hindi pa sapat. Mas importante, ang pagkakaroon mo ng matibay na lakas ng loob!" Tumanggo si 'Gongzi' sa pagsangayon.
"Malamang sa malamang, kahit na itong si Luo Qianhong ay matatalo. Subalit… madaming mga tropa ang nasa Xuanyuan royal palace na ito, at gaano man kalakas si Zhang Xuan ay, isa pa din siyang indibidwal. Imposible para sa kanya na kayanin ang lakas ng isang bansa. Ano ang gagawin natin? Dapat ba natin siyang tulungan?" Nagdadalawang isip na nagtanong si Jin Conghai.