"Bakit ka nandito?"
Pagkita ng babae sa harapan niya, natahimik si Zhang Xuan.
Pagkatapos tanggapin si Zhao Ya at ang iba pa bilang kanyang direktang mga disipulo, tapos na ni Zhang Xuan ang mga bagay na kailangan niyang ayusin dito sa Tianwu Kingdom. Kaya, tinawag niya ang Steelfang Howling Firmament Beast at umalis kaagad.
Alam ang limitasyon ng kanilang kakayanan, si Liu shi at Lu Xun ay piniling manatili sa Tianwu Kingdom. Ang Myriad Kungdom Alliance ay napupuno ng hindi mabilang na mga ekperto, at wala silang supporta doon. Sa kabilang banda, mayroon silang proteksyon ng pamilya ng emperador at ng Master Teacher Pavilion dito sa Tianwu Kingdom. Kaya pinili nilang manatili.
Tanging si Sun Qiang lang ang nagpumilit na sumunod ka Yang shi. Kaya, si Zhang Xuan ay sinama na siya.