Ang magawang paganahin ang formation nang mabilis, isa lamang ang ibig-sabihin nito... nahanap ng taong yon ang core ng formation!
Sa kalagitnaan ng pag-uusap na yon, masasabi ni Grandmaster Lin Tao na ang taong ito ay hindi man lang alam kung ano ang formation core. Subalit, pagkatapos nito, kaagad na nahanap nito ang formation core at ginamit pa ito...
Totoo ba to?
Nangatog ang katawan ni Grandmaster Lin Tao, at naramdaman niya na parang hihimatayin na siya.
Ang lugar kung nasaan ang formation core ay nagbabago kasabay ng pagbabago ng nasa paligid nito. Kahit para sa isang 3-star primary stage formation master tulad ng clan head, kung walang compass at maingat na pagmamasid, imposibleng mahanap ito. Subalit, nang hindi man lang gumagamit ng kahit anong kasangkapan, basta lang ito nilapitan nito... at sa isang sipa, kaagad na napagana ang formation!