Kasunod ni Liu Ling, pumasok sa hall si pavilion Master Jiang.
"Nagbibigay-galang kay guro!" pinagsaklob ni Pavilion Master Jiang ang kanyang kamao at yumuko. Bago pa siya magsalita, nagtanong ang kanyang guro, "Mayroon bang mga libro na tungkol kay 'Empyrean Kong shi' sa Master Teacher Pavilion?"
"Empyrean Kong shi?"
Napaatras si Pavilion Master Jiang. "Mayroong mga tala tungkol kay Kong shi sa 2-star library, pero hindi ito masyadong detalyado..."
"Dalhin mo ako doon!" nang marinig na kinumpirma niya ito, kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.
Kahit na ang Innate Fetal Poison ay hindi pa aktibo sa ngayon, hindi siya makahinga nang maluwag sa pagkakaalam na mayroong taning ang kanyang buhay.
Mas mabuti kung maaaalis niya ito habang maaga pa.
"Opo!" tumango si Pavilion Master Jiang.