Wala pang isang araw nang iwan niya ang kanyang mga estudyante, si Zhao Ya ay nasaktan ng isang tao. Pagkatapos, nang wala pang isang oras mula pag-alis niya ng silid-aralan, napahamak din si Mu Xueqing?
Hindi ba masyado itong nagkataon? Umaaligid ba sa kanya ang Diyos ng Kamalasan?
"Opo!" namula ang mukha ni Meng Tao.
"Dalhin mo ako sa kanya!"
Habang umiiling, sinundan siya ni Zhang Xuan sa silid-aralan.
Nang pagpasok sa silid, nakita niya si Mu Xueqing na nakaharap sa pader ng silid-aralan nang may namumutlang mukha.
Paglapit sa kanya, tiningnan siya ni Zhang Xuan at…
Bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya.
Oo nga…
Wala siyang masuri na kahit na ano!